Sa pahayag ng FDC, ang 25 taong build-rehabilitate-operate-transfer contract ng Industrias Metallurgicas Pescarmona Sociedad Anonyma o IMPSA ay punung-puno ng anomalya kung saan ay nagkaroon pa ito ng overpricing na ipapataw nila sa publiko.
Anila, pinalitaw ng IMPSA na kinakailangan ang repair at rehabilitasyon ng Kalayaan 1 & 2 power plant kung saan ay sinasabing pinalobo ng IMPSA ang naging project cost nito na kanila namang babawiin sa sandaling payagan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang petisyon ng National Power Corp. (Napocor) na i-recover nito ang project cost sa ginawang repair sa pamamagitan ng Fuel and Purchased Power Cost Adjustment (FPCA).
"The FPCA is automatic price adjustment mechanism which Napocors customers pass on to end-consumers as the Purchased Power Adjustment or PPA," wika ng University of the Philippines-based FDC.
Iginiit naman ng IMPSA na suportado ng mga dokumento ang ginawang pagsasaayos ng Kalayaan 2 na nasa estado na ng pagbagsak at ang kanilang kontrata umano para sa CBK ay dumaan sa matinding pagrebisa na nagsimula sa administrasyon ni dating Pangulong Ramos.
Wika pa ng IMPSA, ang kanilang kontrata ay legal at nasa ayos kaya ang iniharap na kaso laban sa kanila sa Pasig RTC at Ombudsman ay pawang nadismis dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya laban sa kanila. (Ulat ni Rudy Andal)