Sinabi ni Guingona na walang katotohanan ang inihayag ni Press Secretary Ignacio Bunye na pumayag siya kundi nagkasundo lamang sila ng Pangulo noong magbitiw siya na ipagpapatuloy ang mga naiwan niyang programa tulad ng OFI bonds para sa mga OFWs, pabahay sa mga ito, rehabilitasyon ng Integrated Steel plant sa Mindanao at Seafarers welfare program.
Wika ni Guingona, hindi na siya maaaring magbalik sa Gabinete ni GMA dahil marami silang isyung hindi napagkakasunduan tulad ng posisyon sa Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) na dapat ay ratipikahan ng Senado.
Inamin naman ni Bunye na nagkamali siya ng interpretasyon sa nilalaman ng ipinalabas na administrative order no.45 sa pag-aakalang itinalaga na siyang Mindanao czar gaya ng napagkasunduan nina GMA at Guingona. (Ulat nina Rudy Andal/Lilia Tolentino)