Sinabi ni Sen. Recto, mababawasan ang nasabing paggugol ng salapi sa pagdaraos ng mga training at seminars ng mga govt employees sa susunod na taon kung ang mga ito ay hindi gagawin sa mga 5-star hotels at out-of-towns.
Wika pa ni Recto, kung nais ng gobyerno na makatipid ay bakit hindi na lamang ito idaos sa munisipyo o city hall o sa kanilang mga tanggapan para hindi na gumastos pa ng malaki.
Aniya, nakasaad sa 2003 budget na maglalaan ang gobyerno ng P2.018 bilyon para lamang sa mga training at seminars ng mga govt employees para sa susunod na taon.
Ipinaliwanag ni Recto na kung mababawasan natin ang P2 bilyong ito para lamang sa mga seminar ay maiiwasan natin ang inaasahang P200 bilyong budget deficit sa 2003. (Ulat ni Rudy Andal)