Ayon sa negosyanteng si Jonathan Khonghun ng Quadpro Inc., na nahihirapan siyang singilin ang halos P 12 milyong halaga ng computer equipment na ipinautang niya sa CBCPNet,na ipinagmamalaking proyekto ng CBCP sa larangan ng information technology.
Ngunit makalipas ang maikling panahon ay bumagsak ang CBCPNet dahil sa laki ng pagkakautang nito sa katulad niyang suppliers na halos dalawang taon nang hindi nababayaran.
Isinisi ni Khonghun ang nangyaring kapalpakan sa ilang lider ng CBCP,ang organisasyong sumasaklaw sa buong simbahang Katoliko sa Pilipinas.
Napatunayan ito ni Khonghun nang umamin ang ilang pinuno ng CBCP na hindi nila na-audit ang mga transaksyon at accounts na kontrolado ng kanilang partner na si Eman Lim na sinisisi rin sa pagbagsak ng CBCPNet.
Subalit nagtataka si Khonghun dahil sa hindi pa tapos ang krisis ng CBCP sa utang ay muli itong nagtayo ng CBCP World.