Mula sa panghuling talaan, umaabot sa estimasyon na 2.2 milyon ang mga Pinoy sa US kabilang na dito ang mga illegal na nagtatrabaho doon at nagtatago sa mga immigration officers. Karamihan sa mga ito ay dito na nagkapamilya, may hawak ng "green card" at American citizen na.
Gayunman, tiniyak ni Karen Kelly, tagapagsalita ng US Embassy sa Manila na bibigyan pa rin naman nila ng pagkakataon ang mga libu-libong Pilipino na maayos ang kanilang mga dokumento at makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang mapigil ang nakatakdang pag-aresto sa mga ito.
Magugunita na nauna nang idineport ang may 63 Pinoy na pawang naka-posas ng dumating sa bansa mula sa Amerika.
Naghigpit rin ang US laban sa mga illegal alien matapos maganap ang World Trade bombing sa New York. (Ulat ni Ellen Fernando)