Ayon sa impormante, tutol ang mga administration senators na maging pangulo ng Senado si Cayetano kaya ang itinutulak umano ng mga ito ay si Villar upang maging susunod na Senate president.
Ayon pa sa source, isa sa posibleng dahilan ay ang mahina nang pangangatawan ni Cayetano matapos itong dapuan ng viral infection.
Nagsisimula na umanong gumapang ang mga senador na kaalyado ni Villar sa kapwa nila mambabatas mula sa mayorya at minorya upang masiguro ang pagiging Senate president ng dating House speaker.
Siniguro pa ng source na payag naman umano si Villar na maging susunod na pangulo ng Mataas na Kapulungan sa sandaling magkaroon ng botohan sa Enero 2003 kung saan kandidato rin si Cayetano.
Nabigo namang makunan ng pahayag ang kampo ni Villar kung totoong nais nitong sungkitin ang babakantehing posisyon ni Drilon. (Ulat ni Rudy Andal)