Sinabi ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos na kahit isang biro lamang ang sinabi ni Corpuz ay hindi niya ito dapat inihayag sa publiko dahil para na rin nitong inamin na imposible nilang matukoy ang utak ng mga sunud-sunod na pambobomba sa Metro Manila.
Kinuwestiyun din ni Marcos ang walang tigil na paghingi ng paumanhin ng mga opisyal ng pamahalaan.
"We should stop building sorry republic. Dapat malaman ng mga nasa Palasyo na silay lider ng bansa at hindi ng isang homeowners association," ani Marcos.
Inisa-isa ni Marcos ang mga nakaraang pagkakamali ng pamahalaan at ang paulit-ulit na kuryenteng balita ng mga mismong tao na nagpapatakbo ng bansa.
Sinabi pa ng kongresista na masyadong iresponsable ang ipinahayag ni Corpuz bilang isang mataas na opisyal ng militar. (Ulat ni Malou Escudero)