Subalit sa kabila nito, naniniwala si Bacolod City Rep. Monico Puentevella na hindi pa tapos ang laban dahil pagbobotohan pa ito sa plenaryo kapag iprinisinta ng komite ang kanilang referendum.
Matatandaan na isinampa ang reklamo sa tulong ng civil society sa pangunguna ni Namfrel chairman Jose Concepcion Jr.; Makati Business Club executive director Guillermo Luz; Akbayan president Jose Eliseo at Kongreso ng Mamamayang Pilipino (KOMPIL) sec-gen. Rolando Lobrojo.
Inakusahan si Tancangco, chairperson ng modernization committee ng Comelec, na nagkanulo sa tiwala ng publiko at lumabag sa probisyon ng Saligang Batas dahil sa kanyang kabiguang ipatupad ang RA 8536 o modernisasyon ng halalan na nagresulta sa talamak na dayaan sa eleksiyon. (Ulat ni Malou Escudero)