Mga sekyu, tanod pag-aralin ng anti-terrorism course

Iminungkahi kahapon ni Senator Noli de Castro na maging ang mga security guard at barangay tanod ay dapat pagkalooban ng anti-terrorism course upang maging katuwang ng pamahalaan sa paglaban sa terorismo.

Sinabi ni Sen. de Castro, hindi dapat iatang lamang sa ating militar at pulisya ang tungkulin na labanan ang terorismo bagkus ay dapat ding hingin ang pakikipagtulungan ng mga security agencies at barangay upang maging katuwang ng pamahalaan sa paglaban sa planong panggugulo ng mga terorista.

Wika pa ni de Castro, hindi ito ang tamang panahon upang magsisihan. Mas magiging madali anya na bigyang solusyon ang suliraning ito kung ang lahat ng sektor ay magtutulungan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating bansa. (Ulat nina Ely Saludar/Rudy Andal/Danilo Garcia)

Show comments