Inihayag ni Press Secretary Ignacio Bunye ang pagkakatalaga kay Justice Undersecretary Manuel Teehankee bilang bagong OGCC head.
Ayon kay Bunye, ang unang plano ni Pangulong Arroyo ay pagpapalitin lamang ng puwesto sina Teehankee at Valdez, pero sinabi ni Bunye na hindi umano tinanggap ni Valdez ang puwesto sa DOJ bilang undersecretary dahil hindi naman umano inalok sa kanya.
Ayon sa source, napag-initan si Valdez dahil sa hindi kursunada ni Presidential Assistant on Strategic Concerns Gloria Tan Climaco ang opinyon niya sa Piatco deal. Gusto ni Climaco na ipawalambisa ang buong kontrata samantalang nais ni Valdez na ilang probisyon lamang ang alisin. (Ulat ni Ely Saludar)