Ang kahilingan ni Barbers ay bunsod na rin sa ulat na sinisikil o pini-pressure ng Star Group, isang mayor program provider ang Destiny Cable Inc.
Nabatid na nagdesisyon ang Star Group na huwag i-renew ang kontrata nito sa Destiny cable para sa limang top channels ng una na mag-e-expire sa Oktubre 14.
Nakasaad pa sa ulat na ang terminasyon sa kontrata ay upang ibigay sa iba pang cable company (Skycable at Homecable) na balitang may utang na malaki dito.
Sinabi ni Barbers na hindi dapat payagan ng NTC ang exclusivity sa mga kontrata ng Star Group dahil hindi umano patas at may diskriminasyon ang ginawa nito.
Ayon sa mambabatas, nagkakaroon umano ng monopolya na magreresulta sa unfair competition kung papayagan ng NTC ang mga kondisyones ng Star Group.
Nangangamba ang mambabatas na ang isyu sa cable industry ay makakaapekto sa promosyon ng gobyerno na pumasok ang mga investors sa bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)