Ayon sa Pangulo, magsasagawa siya ng lahat ng hakbangin sa ilalim ng kanyang kapangyarihan para mapanatiling mababa ang singil sa pasahe dahil lumilikha ito ng serye ng epekto sa presyo ng pangunahing mga bilihin at serbisyo.
Inatasan na ng Pangulo si Transportation Secretary Leonardo Mendoza at Finance Sec. Isidro Camacho na makipagdayalogo para makahanap ng ibang alternatibo kung paano matutugunan ang problema sa pagtaas ng presyo ng gasolina. (Ulat ni Lilia Tolentino)