Sinabi kahapon ni Sec. Perez na sa darating na Biyernes ay magsisimula na ang arraignment ng 122 Tsino na nahuling illegal na nangingisda sa Palawan noong nakaraang taon at kung mapapatunayan umanong nagkasala ang mga ito ay kaagad na ipatutupad ang karampatang parusa para sa kanila.
Subalit kung hindi naman mag-plead ng guilty ang mga akusado ay inatasan na umano nito si Chief State Prosecutor Jovencito Zuño na ipagpatuloy ang paglilitis at ihanda ang prosecution na iprisinta ang lahat ng mga ebidensiya sa naturang kaso upang mapatunayang nagkasala ang mga ito.
Idinagdag pa ng kalihim na natanggap na niya ang kopya ng sulat mula kay DFA Secretary Blas Ople na nagbibigay ng assurance na aaksiyunan nito ang naunang reklamo ni Perez.
Base sa sulat ni Ople, nakipagkita ito kay Chinese Foreign Affairs Minister Tang Jiaxun upang hindi makaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China ang hindi magandang namagitan kina Perez at Chunggui. (Ulat ni Gemma Amargo)