Pagbibitiw ni Abad sa NFA tutoo na

Matapos na magkaroon ng kalituhan sa Malacañang hinggil sa pagbibitiw sa tungkulin ni National Food Authority (NFA) Administrator Anthony Abad, kinumpirma kahapon ni Pangulong Arroyo ang pagbibitiw nito.

Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, pinasalamatan ng Pangulo si Abad sa naging dedikasyon nito sa kanyang trabaho bilang NFA head.

Hindi pa ibinunyag ni Bunye kung saan ahensiya malilipat si Abad, pero lumilitaw na mabibigyan ito ng mas mataas na tungkulin sa pamahalaan sa kabila na madalas itong mapagalitan ng Pangulo dahil sa kapalpakan sa rolling stores at pagpupuslit ng bigas.

Nauna rito, nagulo ang Palasyo matapos ihayag ni Bunye na nagresign si Abad at pagkatapos ay umeksena naman si Housing Secretary Mike Defensor at iginiit na walang nangyaring pagbibitiw.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Bunye na kailangang magbitiw si Abad sa puwesto bago mailipat sa ibang ahensiya. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments