Dumalo ang mga kilalang negosyante sa isang pananghalian na inihanda ng Pangulo sa Malacañang na kinabibilangan nina John Gokongwei, Henry Sy, Andrew Gotianon, Helen Dee at iba pa.
Nanawagan ang mga ito na dapat ay higpitan ng pamahalaan ang pagbibigay ng seguridad sa mamamayan laban sa masasamang loob.
Kasabay nito sila ay nakipagkasundo sa Pangulo na tutulong sa paglalagak ng puhunan partikular sa mga proyektong pabahay. (Ulat ni Ely Saludar)