Sinabi ng Pangulo na nagsisilbing balakid sa operasyon ng militar ang nasabing negosasyon. Inihalimbawa nito ang mga ilalatag na kondisyon ng mga kidnapper na aniyay magpapatagal lamang sa military operation.
Nais ng Pangulo na magtuluy-tuloy ang rescue operations sa mga nalalabing bihag.
Sa kasalukuyan ay may anim na batalyon ng militar kabilang ang Scout Rangers ng Phil. Army ang patuloy na sumusuyod sa kagubatan upang hanapin ang pinagtataguan sa mga bihag.
Selyado na ang lahat ng exit points na maaaring daanan ng mga kidnapper sa pagtakas nila tangay ang mga hostage.
Kasabay nito, pinalawig ng Pangulo ng ilang araw ang termino ni AFP Chief of Staff Gen. Roy Cimatu.
Si Cimatu ay magreretiro sa Sept. 4 subalit nais ng Pangulo na manatili ito ng hanggang Setyembre 10 ngayong taon.
Ipinahiwatig ng Pangulo na bago umalis sa AFP si Cimatu ay baka maresolba nito ang problema sa Sulu.
Aminado ang Pangulo na nanghihinayang siya kay Cimatu subalit nais din nitong bigyan ng pagkakataon ang iba pang opisyal sa AFP. (Ulat ni Ely Saludar)