Sa record ng LTO Management Information Division (MID), nakuha ang may pinakamataas na kinita ng ahensiya mula sa Motor Vehicle Users Charge, pangalawa sa registration ng mga sasakyan at sa license fee.
Tatlong rehiyon ang nanguna sa mga LTO offices na nagbigay ng malaking kita sa ahensiya, ang National Capital Region, Region 4 at Region 3.
Sinabi ni LTO chief Roberto Lastimoso na ang naturang hakbang ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaang Arroyo hinggil sa pagpapabuti ng mga sistemang ipinatutupad ng ahensiya tulad ng pinaghusay na pagrerehistro ng mga sasakyan at pinabilis na issuance ng drivers license.
Sa kasalukuyan, wala pang 30 minuto ang renewal ng drivers license at mabilis na ring makakakuha ng claims ang mga benepisyaryo ng insurance para sa mga nairerehistrong sasakyan dahil sa Information Technology (IT) program na ipinaiiral ng ahensiya.
Sa pamamagitan ng IT system, agad nalalaman ang mga taong hindi maaaring bigyan ng drivers license at hindi maaaring mairehistrong mga sasakyan nationwide. (Ulat ni Angie Dela Cruz)