Sa isang pahayag, sinabi ni Osaka Iridology CEO president Jonathan Guardo na dapat na talagang magkaroon ng batas na magbibigay ng panuntunan sa mga iridology upang masugpo ang mga fly-by-night iridologist.
Nilinaw ni Guardo na ang iridology ay hindi diagnostic, subalit nakikita nito ang mga mahihinang internal body organs ng isang tao sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa iris. Sa pamamagitan din aniya ng iridology ay malalaman kung gaano na karami ang naiipong toxic sa katawan katulad ng cholesterol at uric acid.
Sinabi pa ni Guardo na maaaring makaiwas sa sakit ang isang tao sa pamamagitan lamang ng iridology dahil nakikita rin ito sa pagtingin sa iris.
Ang iridology practice aniya ay naaayon sa batas at nasa ilalim ito ng probisyon ng R.A. 8423 o Traditional and Alternative Act (TAMA) na ipinasa ni Sen. Juan Flavier noong 1997.
Ayon pa kay Guardo, ang Osaka Iridology ang nangunguna ngayong iridology clinic sa bansa at mayroon na silang 40 branches. (Ulat ni Malou Escudero)