Ayon kay Villar, bukod pa sa nakakaabala ay nakakaapekto sa pandinig ang ingay ng eroplano at posible pang magdulot ng pagkabingi sa mga mamamayan.
Sa ngayon ay walang batas na nagtatala ng sistema para mabawasan ang ingay sa ating kapaligiran, ani Villar.
Sa ilalim ng Aviation Noise Limit Act, gagawa ng isang tinatawag na "hourly average sound level" ng eroplano para sa isang oras na time period.
Inilagay rin ang maximum sound level ng nabanggit na sasakyang panghimpapawid sa 70 decibles sa umaga at 55 decibles sa gabi.
Aatasan rin nito ang Air Transportation Office (ATO) na gumawa ng programa para mabawasan ang ingay tulad ng sound-proofing, relocation incentives, paggamit ng mas tahimik na eroplano at pagrebisa ng mga ruta ng eroplano. (Ulat ni Rudy Andal)