Pitumpu sa mga boluntaryong abogado ang nagbigay galang kahapon sa Pangulo sa Malacañang para magpahayag ng kanilang kahandaang maglingkod ng libre dahil sa kanilang malasakit sa kapakanan ng bansa.
Tutulong ang naturang volunteer lawyers sa pag-iimbestiga sa 300 kaso ng mga korporasyong hindi nagbabayad ng tamang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at sa paglilitis sa kaso ng 41 katao sa DPWH na sangkot sa P139 milyong vehicle repair scam at mga kaso ng pagpupuslit ng kontrabando. (Ulat ni Lilia Tolentino)