Itoy matapos na ihayag ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na hanggang Setyembre 1 na lamang sa serbisyo si Cimatu at wala na siyang planong palawigin pang muli sa ikalawang pagkakataon ang termino nito.
Nabatid na nitong nakalipas na buwan, nag-umpisa sa hanay ng mga contenders ang jockeying sa posisyon.
Ayon sa isang high ranking military official, sa nakikita niya ay ang dalawa ang malakas na contenders at ang magiging mahigpit na magkukumpetensiya sa posisyon upang pumalit kay Cimatu. (Ulat ni Joy Cantos)