May lumutang na balitang nagkaroon ng areglong pinansiyal ang pagkampi ni Jaworski sa administrasyon dahil umano mayroon itong naluluging negosyo.
Inalerto pa ni Limcauco ang oposisyon na maging mapagmatyag dahil baka magkatotoo nga ang mga balitang dalawa pang kapanalig nila ang napipintong kumalas.
"Kasi 13-11 is not enough to have a stable and productive Senate. Kailangan namin ang wider lead," ani Limcauco. (Ulat ni Lilia Tolentino)