Sa isang panayam,sinabi ni Acting Press Secretary Silvestre Afable na hindi na bago ang sinasabi ni Senador Edgardo Angara hinggil sa kundisyong panlipunan, kahirapan at kawalan ng empleyo at lalong hindi tama na sabihin nitong may nagaganap na krisis sa liderato ng bansa.
Kung mayroon anyang krisis sa liderato, ito ay nagaganap sa oposisyon.
Binanggit rin ni Afable na ilang grupo ng civil society ang lumalabas na rin ng alyansa at sa halip na tumulong sa pamahalaan para mapaglingkuran ang pamahalaan ay sangkot pa ito sa propaganda.
Nilinaw rin ni Afable na hindi lahat ng civil society ay nag-iba na ng landas dahil sa marami pa rin ang tumutulong para itaguyod ang repormang panlipunan at kapayapaan ng bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)