Sa panayam, sinabi ng Pangulo na nais niyang turuan ng leksiyon ang mga kriminal sa pamamagitan ng implementasyon ng batas sa parusang kamatayan.
Iginiit ng Pangulo na mas mabuting ipatupad ang death penalty kumpara sa pag-salvage o summary execution na isinusulong ng ilang sektor.
Sinabi ng Pangulo na ang unang tatlong death convicts ang kanyang pasasampolan ng bitay.
Sa kabuuang 17 death convicts na pinagtibay ng Korte Suprema, 15 ay rapist samantalang 2 ang kidnappers na idineklara ng Pangulo na isang malaking problema sa kriminalidad sa bansa.
Samantala, unang isasalang sa lethal injection ang convicted rapist na si Alfredo Nardo (Nardo Pagdayawan sa mga naunang nalathala) na nakatakdang bitayin sa Oktubre 16 taong ito.
Sa Nobyembre 2002 ay isusunod ang mga kidnapper na sina Roderick Licayan at Roberto Lara. (Ulat nina Ely Saludar/Gemma Amargo)