Nakasaad sa enbanc resolution #4946 Sec. 14 ng Comelec, may karapatang ipaaresto ng Bureau of Election Tellers (BETs) ang mga miyembro nito na hindi darating sa itinakdang araw ng eleksiyon kung saan may posibilidad na maharap din sa kasong kriminal.
Bukod sa hindi pagsipot o pag-absent ng miyembro, ipinagbabawal din ng komisyon ang pag-iiwan sa opisyal na istasyon ng mga guro mula sa simula ng botohan hanggang sa maiproklama ang mananalong kandidato.
Ipinagbabawal din ng Comelec ang mga miyembro ng Board of Canvassers na mailipat sa ibang destinasyon ng kanyang opisyal na istasyon na walang paalam sa pamunuan ng komisyon.
Maging ang pagdadahilan ng mga COCs na nagkasakit at lumiban sa araw ng eleksiyon ay ipinagbabawal din ng komisyon.
Ipinaliwang ni Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. na ang mga nabanggit na babala ay siyang nakasaad sa Omnibus Election code na kailangang malaman ng mga gurong magsisilbing tagapangasiwa sa eleksiyon.
Aniya, kailangang mayroong magandang dahilan ang mga magbabalak na lumiban para sa ganun ay hindi ito maharap sa opensa. (Ulat ni Jhay Mejias)