Sinabi ni Agriculgure Secretary Leonardo Montemayor, malaking tulong sa mga pataniman ang mga pag-uulan matapos ang ilang buwang pagkatuyot ng mga ito noong nakaraang summer laluna sa Region 1.
Nakatulong sa pananim ng palay at tatamnang lupa ang mga pag-ulan at nadagdagan ang water level sa Angat Dam at Pantabangan Dam na pinagmumulan ng patubig sa maraming pataniman sa mga lalawigan.
Kaugnay nito, iniulat naman ni Montemayor na sapat ang suplay ng bigas sa bansa at walang dapat ipag-alala ang taumbayan sa kakulangan nito dahil may sapat na imbak ang bansa para mapunan ang pangangailangan sa butil hanggang sa pagtatapos ng taon bukod sa importadong bigas na nasa bansa na sa kasalukuyan.
Hindi rin magiging dahilan ang pag-uulan na tumaas ang halaga ng bigas dahil hindi naapektuhan ng mga bagyo ang mga pataniman sa bansa. (Ulat ni Angie dela Cruz)