Bagaman hindi na puspusan ang paghahanap sa katawan ni Sabaya, sinabi ng Pangulo na nananatili ang pagkakaloob ng gantimpalang P50,000 sa sinumang makakatagpo sa labi ng ASG spokesman.
Ikinatuwa naman ng AFP ang tuluyang pagpapatigil sa paghahanap sa labi ni Sabaya.
Sinabi ni ASG operation spokesman ret. Major Gen. Melchor Rosales na tama ang naging desisyon ng Pangulo upang hindi na masayang ang oras ng militar at mapagtuunan na ng pansin ang operasyon upang madakip ang iba pang lider.
Malaki na umano ang pondong nagugugol sa search and retrieval operation na hindi naman kailangan dahil kumbinsido naman ang pamahalaan na patay na ito.
Gayunman, umaasa pa rin ang AFP na lulutang ang bangkay ni Sabaya.
Kamakalawa, ipinagkaloob ng Pangulo kay Gardo Ibrahim ang P5M reward dahil sa mahalagang impormasyon na ibinigay niya sa militar na naging daan para matunton si Sabaya. (Ulat nina Lilia Tolentino at Danilo Garcia)