Ang mahalagang impormasyong tinanggap ng militar mula kay Ibrahim ang naging daan din sa pagkakaaresto sa limang lider ng ASG at apat pang miyembro ng grupong bandido.
Si Ibrahim ay nagsilbing courier ng grupong bandido hanggang siya ay maging close-in aide ni Sabaya.
Ayon sa militar, si Ibrahim ang nagbigay sa kanila ng impormasyon na nangangailangan ng bangka si Sabaya noong madaling araw ng Hunyo 21 para umalis sa Sibuco.
Kasama si Ibrahim sa siyam na pasahero ng bangka noong madaling araw na iyon at saksi sa pagkakabaril ng mga sundalo kay Sabaya na siyang ikinamatay nito.
Samantala, tutulong na ang naval expert ng America para mas mapadali daw ang paghahanap sa katawan ng nabaril at sinasabing napatay na si Sabaya sa karagatan ng Sibuco.
Katulong ng Phil. Navy ang US Navy Seals sa paghahanap sa katawan ni Sabaya kung saan pinag-aaralan ng mga eksperto ang galaw ng dagat.
Itoy sa kadahilanan iba-iba raw ang tagal ng katawan sa tubig at merong inaabot ng ilang araw bago lumutang. (Ulat ni Lilia Tolentino)