Ayon kay Southcom chief Major Gen. Ernesto Carolina, bandang alas-10 ng gabi kamakalawa ng makaramdam ng pananakit ng dibdib si Hassan Hamsi alyas Abu Ayob.
Agad itong isinugod sa Southcom hospital pero binawian ng buhay pasado alas-12 ng hatinggabi.
Sa pahayag ng tuminging doktor, may myocardial infraction ang suspek na umanoy posibleng nakuha sa hypertension o sa sobrang taba sa katawan. Ang taong nagtataglay nito ay tumataas ang dugo sa puso at bumababa ang supply ng oxygen.
Isinailalim na sa autopsy ang bangkay ni Hamsi para mawala ang pagdududa na nagkaroon ng foul play sa pagkamatay nito.
Si Hamsi, kasama ang tatlo pang naarestong sina Abdurakman Ismael, Margani Isnilon at Adzmar Aluk ay kasama ni Sabaya ng makasagupa ng magkakasanib na elemento ng Phil. Navy Special Warfare Group at blocking force ng Marines. (Ulat ni Joy Cantos)