Kabataan nakipagkapit-bisig vs droga

Nakipagkapit-bisig ang mga estudyanteng mag-aaral sa nangunguna at largest drug testing company sa bansa, ang Drug Check Philippines, para labanan ang paglaganap ng droga.

Isang anti-drug awareness at leadership training seminar na tinawag na "Kabataan Susi Laban sa Droga" ang inilunsad ng Drug Check sa lungsod ng Maynila pakikipagtulungan ni Brgy. 805 chairman Bobot Dimaano.

Ilang piling mag-aaral mula sa UP ang nagsilbing speaker/facilitator hinggil sa epektong dulot ng droga, sa tulong na rin ng mga doktor at health practitioner mula naman sa PGH.

"The seminar is the first step in forming a youth corp. against drugs. We aim to educate them first, then afterwards we plan to conduct joint projects like livelihood, educational program and other socio-civic endeavor," pahayag ni Mylon Villasante, Drug Check spokesperson.

Show comments