Dahil sa $5M reward, US Embassy dinagsa ng callers

Umaabot na sa mahigit 200 callers at patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tumatawag sa US Embassy upang magbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga pinaghahanap na leader ng grupong bandido, ito’y matapos na mag-alok ng $5M ang US government sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng top leaders ng Abu Sayyaf.

Inihayag ni AFP spokesman Brig. Gen. Eduardo Purificacion na kabilang umano sa mga callers ay mismong mga kasamahan pa ng mga bandido at kanilang mga kaanak na interesado at gustong magkamal ng milyong dolyares.

Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing pag-aaral ng US Embassy officials ang mga nakuha nilang mga impormasyon na ayon kay Purificacion ay makatutulong ng malaki para madurog ang grupong bandido. (Joy Cantos)

Show comments