Ayon kina Senators Tessie Aquino-Oreta at Edgardo Angara, hindi ang pagtake-over sa Meralco ang tanging susi sa kasalukuyang suliranin ng mamamayan ukol sa PPA kundi ang pag-amyenda sa Electric Power Reform Act (EPIRA) upang magkaroon ng panibagong negosasyon sa mga kontrata ng independent power producers (IPPs).
Pabor si Angara na palawigin pa ang prangkisa ng Meralco pero hindi ito sang-ayon na kunin ng gobyero ang pamamahala dito dahil baka lalo lamang lumala ang problema.
Tutol din si Pangulong Arroyo sa panukalang mag-take over ang gobyerno sa Meralco. Hindi anya iigi ang serbisyo sa kuryente kung manghihimasok pa dito ang pamahalaan.
Tumanggi rin ang Pangulo na kagatin ang panukala ni dating pangulong Ramos na emergency powers. (Ulat ni Rudy Andal/Ely Saludar)