Sinabi ni Senator Blas Ople, chairman ng Senate committee on foreign affairs, maituturing na treason o pagtataksil sa bayan sakaling ipatupad ni Pangulong Arroyo ang pagbabalik ng mga kampo militar sa MILF.
Ipinaalala ni Ople na mahigit 500 sundalo ang nasawi dahil sa pakikipaglaban para makuha lamang ang mga kampo militar na ito sa MILF matapos iutos ni dating Pangulong Estrada ang all-out war laban sa mga rebelde ng Mindanao.
Ipinaliwanag pa ng mambabatas, ang kaso ng treason ay isang capital offense at isang ground para mapatalsik ang Pangulo. (Rudy Andal)