Ito ay matapos na ilabas kahapon ng Senate committee on energy na pinamumunuan ni Sen. Rene Cayetano ang report nito na naglalaman ng mga panukala kung paano maiaangat ang problema sa PPA na isang napakabigat na pasanin ngayon ng publiko.
Sa ilalim ng committee report, nakasaad na hindi magbabayad ng PPA sa loob ng tatlong taon ang lahat ng household consumers samantalang ang mga commercial at industrial power-users ay bibigyan lamang ng isang taon na moratorium mula sa pagbabayad ng PPA ng Napocor.
Pagkatapos ng 3 taon, ang mga household consumers na gumagamit lamang ng hindi hihigit sa 50 kilowatt hour na kuryente kada buwan ay wala nang babayaran na PPA habambuhay, samantalang ang kumokonsumo naman ng 51 hanggang 100 kwh ng kuryente ay papatawan lamang ng 21 sentimos per kwh na PPA.
Magbabayad naman ng 42 sentimos per kwh na PPA ang mga consumers na gumagamit ng kuryente na lagpas sa 100 kwh.
Nabatid na nilagdaan ng 17 senador mula sa 21 miyembro ng komite ang naturang report. Ang apat na hindi pumirma ay sina Senators Edgardo Angara, Blas Ople, Rodolfo Biazon at Ramon Revilla. (Rudy Andal)