Mortar sumabog: 6 patay, 12 grabe

ZAMBOANGA — Anim katao karamihan ay mga bata ang namatay at 12 iba pa ang nasa grabeng kalagayan nang aksidenteng sumabog ang isang mortar projectile sa Barangay Tictabon, Zamboanga City.

Base sa report na nakarating sa headquarters, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon kamakalawa sa bahay ng isang kinilala sa pangalang Tarawi Nawi.

Ginamit umano ni Nawi ang mortar projectile bilang pamukpok sa posteng kawayan sa kanyang seaweed plantation, pero nagkataon na ang hawakan ng nasabing mortar ay nabali. Tinangka naman ni Nawi na alisin ang natitirang bahagi ng hawakan sa pamamagitan ng pagsunog dito na nagresulta sa pagsabog.

Anim na sibilyan ang agad namatay na kinilalang sina Harun Hasin, 10; Ibno Adjail, 12; Saripul Adjail, 9; Alsa Manjur, 12; Abran Sapi, 9 at Jaha Kasmin, 2.

Kasalukuyan naman naka-confine sa Zamboanga City General Hospital sina Leny Adjail, 22; Nursa Adjail, 18; Amipril Adjail, 21; Leng Nawi, 15; Harun Langa, 9; Jaime Bayani, 11; Jiha Aplasan, 2; Haji Sajak Bayani, 30; Nurjen Alih, 12; Nurhaina Nawi, 15; Nusida Nawi, 41 at Trawi Nawi, 30.

Bukod sa bahay ni Tarawi Nawi, nawasak din ang iba pang pumpboats malapit sa lugar at ang mga batang nasugatan ay naglalaro ng maganap ang pagsabog.

Show comments