Kinilala ni Baluyot ang naarestong si Sukarno Habib Yasin alyas Salip Abdullah, 46, isang Tausug at residente ng Maluso, Basilan.
Si Yasin ay nasa listahan ng most wanted na ASG na may patong sa ulo na P150,000 at nahaharap sa 61 ibat ibang kaso ng kidnapping, murder, frustrated murder at illegal detention.
Sinasabing si Yasin ay kabilang sa mga ipinadala ng Abu Sayyaf sa Central Mindanao upang maghasik ng terorismo. Lumilitaw rin sa imbestigasyon na kasama ito sa dumukot at pumaslang kay St. Claret priest Fr. Roel Gallardo sa Tumahubong, Basilan.
Inamin umano ni Yasin sa ginawang tactical interrogation na dati siyang miyembro at tauhan ni MNLF renegade chairman Nur Misuari. (Ulat nina Teng Garcia at Boyet Jubelag)