Sa ilalim ng House Bill 4564, iginiit ni Echiverri na kinakailangang maging mas affordable sa mga senior citizens ang mga basic services partikular ang mga walang sapat na pinagkakakitaan. Nakasaad dito ang pagkakaloob nang 20% para sa senior citizens na ang annual income ay hindi umaabot sa P100,000 sa kanilang bayarin sa tubig, kuryente, telepono at iba pang serbisyo.
Ang hakbang ay mistulang pag-amyenda rin sa RA 76432 o Senior Citizens Act na nagbibigay ng 20 diskuwento sa senior citizens sa kanilang bayarin sa transportasyon, pagbili ng gamot, bayad sa hotel, restaurant at iba pang recreation centers.
Nauna rito, naghain din ng panukalang batas si 2nd district, Laguna Rep. Joaquin Chipeco na humihiling na itaas hanggang sa 40% ang discount privilege na ito. (Ulat ni Joy Cantos)