Anti- sexual harassment law ipatupad - Legarda

Hinimok kahapon ni Senate majority leader Loren Legarda ang Civil Service Commission na mahigpit na ipatupad sa mga tanggapan ng pamahalaan ang batas laban sa sexual harassment.

"Nais kong malaman kung ipinatutupad na ng lahat ng tanggapang pampubliko ang Manual on Administrative Disciplinary Rules on Sexual Harassment Cases," ani Legarda.

Pinalabas ni Legarda ang kanyang panawagan matapos bumaba ang isang desisyon sa Supreme Court (SC) na nagbibigay parusa sa dating city health officer na inakusahan ng sexual harassment.

Ikinagalak ni Legarda ang desisyon ng SC hinggil sa kaso laban kay city health officer Dr. Rico Jacutin, ng Cagayan de Oro City na kinasuhan ng isang Juliet Yee, aplikante sa opisina ni Jacutin noong 1996.

Pinatawan si Jacutin ng anim na buwang pagkakulong at multa ng P50,000 bilang danyos kay Yee na ngayon ay 20 anyos na. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments