Sa isang phone interview, sinabi ni Capt. Noel Detoyato, AFP-Southcom Spokesman for Operations na bandang alas-3 ng madaling araw ng masukol ang mga bandido sa Sta. Catalina Riojundo nasabing lungsod.
Gayunman, tumanggi si Detoyato na tukuyin ang mga pangalan ng mga bandido dahil baka mabulilyaso ang isinasagawa nilang dragnet operations laban sa iba pang miyembro ng mga bandido.
We will reveal the names of the suspects in due time para di ma-jeopardize yung operations natin dun sa iba pang ASG,, ani Detoyato.
Ang nasakoteng 11 ASG ay pinaniniwalaang pumuslit sa Basilan matapos na maramdaman ang matinding military pressure laban sa bandidong grupo na patuloy na bumibihag sa nalalabi pang hostages na sina American couple Martin at Gracia Burnham gayundin ang Filipina nurse na si Deborah Yap.
Nasamsam mula sa mga suspek ang limang engine speed boat, isang M16 rifle, isang M14 rifle at isang grenade.
Napag-alaman na nakatanggap ng impormasyon ang militar hinggil sa presensiya ng mga suspek sa nasabing lugar.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang magkakasanib na elemento ng Phil. Marines, Navy Special Warfare Group at PNP na nagresulta sa pagkakalambat sa mga suspek.
Kasalukuyan pang sumasailalim sa masusing interrogation ang mga naarestong bandido. (Ulat ni Joy Cantos)