Base sa ilang "raw intelligence report" na tinanggap ng mga awtoridad, may posibilidad na ilan sa mga personalidad na ito ang nagtulak o kumumbinse sa grupong nasa likod ng nasabing bomb scare upang takutin ang mamamayan.
Sinabi ng source na gumagawa na ng mga bagong strategy ang intelligence community upang kumpirmahin ang nasabing ulat at kung totoo man ay agad na mabatid kung sinu-sino ang mga kilalang tao na nasa likod nito.
"This is just a raw information and we just want to make it clear that this is still being subjected to extensive assessment. Posible kasing itong mga taong ito ang nag-incite sa grupong nagsagawa ng bomb scare upang manakot at manggulo," pahayag ng source na tumangging magpakilala.
Idinadag pa ng source na ilan sa mga nilalaman ng naturang raw inteligence report ang nagpapatunay na ang tanging hangarin lamang ng mga nagsagawa ng bomb scare sa kamaynilaan ay upang manggulo at walang balak na manakit ng sibilyan.
Ayon pa sa source, posible umanong may sangkot na malaking halaga sa nasabing problema. "Isa sa mga tinitingnan natin dito ay ang posibleng pagbabayad ng malaking halaga sa mga taong nagtanim ng mga improvised bombs sa ibat ibang lugar sa Metro."
Samantala, inamin naman ng pamunuan ng MILF na ilang mga lider ng sinasabing Indigenous Peoples Federal State Army, isa sa mga hinihinalang nasa likod ng nasabing bomb scare, ang nakipag-usap sa kanila upang makipag-tie up sa kanilang organisasyon.
Sinabi ng MILF na ilan sa mga opisyal ng IPFSA ang nais na humingi ng tulong mula sa kanila upang makipag-negosasyon rin sa pamahalan para mabigyan sila ng federal state sa Mindanao. Ngunit nilinaw ng MILF na hindi sila ang bumuo o nasa likod ng IPFSA. (Ulat ni Joy Cantos)