Ito ang sinabi kahapon ni Energy Sec. Vincent Perez , kasabay ang pagkumpirma sa naganap na pagbabawas sa produksyon ng langis ng mga bansang miyembro ng OPEC kayat malamang anya na hindi na maaawat ang pagtaas ng presyo ng lokal na produktong petrolyo.
Ayon kay Perez, naganap ang kasunduan ng OPEC sa ginanap na pulong nitong Marso 15 at naganap ang kinatatakutan niyang mangyari ang pagtaas ng presyo ng krudo sa pamilihang pandaigdig.
Gayunman, nilinaw ni Perez na ang pagkakaroon ng brownout sa Boracay ay bunsod ng diskoneksiyon ng elektrisidad ng National Power Corporation dahil sa malaking pagkakautang ng kooperatiba ng kuryente sa Aklan.
Ayon kay Perez, maraming beses na binigyan ng notisya ang nasabing kooperatiba. Sayang ang kooperatibang ito dahil sa nakalipas na ilang taon ay maganda naman ang pagpapatakbo pero pagkaraan ng limang taon unti-unti sumama ang sistema ng operasyon. Wala na anyang nalalabing solusyon sa problema ng brownout sa Boracay kundi palitan ang pamunuan ng kooperatiba at bigyang daan ang pagpasok ng assessment team ng Iloilo para magawan ng paraan kung paano makakaahon sa pagkakautang.
Kung takeover ang solusyon, sinabi ni Perez na depende ito sa gagawing pag-aaral ng assessment team. (Ulat ni Lilia Tolentino)