Sinabi ni Commodore Artemio Arugay, administrator ng Philippine Veterans Affair Office, na isa-isa nang nangangamatay ang mga beteranong nararapat na makatanggap ng pension dahil sa hirap ng buhay na kanilang nararanasan.
Nakipag-usap na umano siya kay Pangulong Arroyo at iginiit dito na magsagawa na ng mabilisang solusyon upang maramdaman naman ng mga beterano ang gantimpala sa pakikipaglaban nila sa bansa noong World War 2.
Mula nang maisabatas ang pagbibigay ng pension noong 1994, libo-libong mga beterano at pamilya nila ang kasalukuyang hindi pa nakatatanggap o kulang ang nakukuha sa dapat sanay P4,500 halaga kada buwan. (Ulat ni Danilo Garcia)