Ayon kay PAGC chairman Cesar Buenaflor, isang anti-graft summit ang ipatatawag ng kanyang tanggapan sa Abril na lalahukan ng mga ahensiya at organisasyong lumalaban sa katiwalian.
Higit anyang magiging epektibo ang pagsisikap ng gobyerno na malabanan ang iregularidad sa pamahalaan kung may suporta at kalahok sa kampanya ang mga mamamayan.
"Ang pagbuo ng malapit na ugnayan sa mga grupo ng civil society at pakikipagtulungan ng mga ito sa kampanya laban sa katiwalian ay makatutulong ng malaki sa PAGC sa pagtugis nito sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno," wika ni Buenaflor. (Ulat ni Lilia Tolentino)