Sec. Roco naiinis sa gag order ng Malacañang

Nainis kahapon si Education Secretary Raul Roco sa umano'y tangkang pagharang ni Press Undersecretary Manuel Sanchez sa lahat ng impormasyon na ipalalabas ng lahat ng departamento na kanya munang sasalain bago ipalaba sa medias matapos ang isang isang memorandum order buhat sa Malacañang.

Ayon kay Roco,hindi naman umano tama na diktahan sila sa anumang impormasyon na kanilang ipalalabas dahil sa malinaw na paglabag umano ito sa Konstitusyon.

Hindi rin umano dapat silang makialam sa kung paano sila makikitungo sa media o kung paano nila ipalalabas ang kanilang interview at mga press releases dahil sa paglabag umano ito sa Freedom of Speech. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments