Inamin ng isang PNP official na tumangging magpakilala na nag-uumpisa pa lamang silang makabangon sa nangyaring kontrobersiya bunsod na rin ng pagbaligtad sa kanyang testimonya ng self-confessed killer na si Philip "Jun" Medel Jr.
Iginiit ng opisyal na maliban sa usapin ng kudeta at malawakang krimen sa bansa na ipinupukol sa kanila ng mga kritiko ay maituturing nila na pinakamatinding kontrobersiya ang nangyaring pagbaligtad sa kanila ni Medel.
Dahil umano dito ay nademoralisa ang maraming kagawad ng pulisya partikular yaong mga tauhan ng binuong Task Force Marsha. Sa kabila nito, patuloy pa rin silang nakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation para sa ikalulutas ng kaso. (Ulat ni Joy Cantos)