Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng AFP Day kamakalawa, sinabi ng Presidente na intensyon niyang maiagapay sa sahod ng mga guro sa paaralang pampubliko ang sahod ng mga sundalo sa sandaling mayroong maitalagang pondo sa pambansang badyet.
Ayon sa Pangulo, kailangan ng RSBS ang dagdag na kapital para matugunan ang pondong laan sa mga nagreretirong sundalo dahil nabatid niya mula kay Defense Secretary Angelo Reyes na ang pondo ng RSBS ay nailagay sa shares of stocks na hindi naman bumibenta.
Tinagubilinan ng Pangulo ang liderato ng AFP na ang ipagkakaloob niyang dagdag na pondong P200 milyon ay hindi na dapat na gamitin sa real estate kundi sa mapagkikitaang pamumuhunan. (Ulat ni Lilia Tolentino)