Ito ang ginarantiyahan kahapon ng House Civil Service committee na pinamumunuan ni Bohol Rep. Eladio Jala matapos aprubahan ng komite ang panukalang Civil Service Code.
Nakapaloob sa nasabing panukala na payagan ang lahat ng government employees na magsagawa ng "peaceful concerted activities" kabilang na ang karapatang mag-strike bilang last resort na naayon sa batas.
Sinuportahan naman ni Samar Rep. Antonio Eduardo Nachura ang panukalang magbigay ng kaparatang mag-strike sa public sector employees kung ang strike ay hindi dahil sa kahilingang pagtaas ng economic benefits, kundi sa kaso lamang ng mismanagement, kabiguan ng management na ibigay ang mga benepisyo na itinakda ng batas o oppressive management practices.
Ipinaliwanag ni Nachura na matibay ang desisyon ng Korte Suprema na hindi maaaring hilingin ng mga empleyado ng gobyerno sa kanilang mga agency managers na dagdagan ang kanilang benepisyo dahil ang bagay na ito ay hindi saklaw ng kapangyarihan ng manager. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)