Ito ang mariing inihayag kahapon ng isang opisyal mula sa kampo ni Misuari kaugnay nang pagkaka-aresto nito sa Malaysia.
Ayon sa opisyal na tumangging banggitin ang pangalan na alam ng Bangsamoro people na hindi nakapiit si Misuari kundi ito ay kinakalinga umano ngayon ng OIC.
Sinabi rin ng opisyal na walong araw simula nang napabalita na naaresto si Misuari at anim nitong tagasuporta sa Sabah, Malaysia simula nang tumakas sa bansa ay wala pa ring maipakita umano ang pamahalaan ng larawan o video footage na nagpapatunay na ito ay nasa piitan.Wala rin umanong nakakitang opisyal ng pamahalaan na nakapiit ito.
Nahihirapan din umanong maka-penetrate ang ilang opisyal ng gobyerno na ipinadala doon upang masubaybayan si Misuari.
Nabatid na si Misuari ay dating naluklok na honorary Sultan sa Sabah kaya hindi umano nila puwedeng tratuhing bilanggo ito doon.
Hinggil dito tumigil na rin pansamantala sa paghasik ng kaguluhan ang Misuari Renegades Group matapos makarating sa kanilang kaalaman na nasa ligtas na kalagayan ang kanilang lider.
Dinagdag pa ng opisyal, tumawag pa umano si Misuari at nakausap nito sa telepono ang isang mataas na opisyal ng MNLF at sinabing nasa Sabah at kinakalinga ng OIC.
Kaya ang mga balitang ipinahayag ng pamahalaan na nasa kulungan si Misuari ay isa lamang umanong propaganda. (Ulat ni Ellen Fernando)