Task Force Marsha 'back to square 1 sa Nida Blanca case

Balik uli sa umpisa ang imbestigasyon ng PNP-Task Force Marsha sa kaso ng brutal na pagpaslang sa aktres na si Nida Blanca, ito ay matapos na ipag-utos ng DOJ na ulitin ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at TF Marsha ang imbestigasyon at maghanap ng bagong anggulo at mga ebidensiya sa kaso.

Pinuna ng DOJ ang ilang pagkakamali sa pagsunod sa tamang proseso ng pagsisiyasat. Binatikos rin ng DOJ ang hindi pagsasailalim ng PNP kay Philip Medel sa polygraph test at psycho exam bago iprinisinta sa publiko at pangalanang self-confessed killer ni Blanca.

Inamin naman ni PNP Spokesman, Chief Supt. Crescencio Maralit na sa kabila ng ilang linggong pagkalap ng mga ebidensiya, "back to square one" ang kanilang imbestigasyon sa kaso.

Binigyang diin pa ng PNP na hindi tuwirang masasabing absuwelto na sina Medel at Rod Strunk. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments