Ang desisyon sa paggamit ng incinerator ay binuo nina Senate President Franklin Drilon at Speaker Jose de Venecia matapos makita ang matagumpay na proyektong ito sa London kung saan matatagpuan ang pinaka-modernong incinerator.
Ayon kay de Venecia, panahon na para rebisahin ang Clean Air Act at masusing pag-aaralan ang paggamit ng incinerator sa bansa.
Bukod sa incinerator, isusulong din ng Kongreso ang landfill garbage recycling operation sa Pilipinas.
Magugunitang ipinagbawal sa Pilipinas ang paggamit ng incinerator sa ilalim ng CAA dahil sa paniniwalang nakakadagdag ito sa polusyon sa hangin.
Sina de Venecia at Drilon ay kasalukuyang nasa London kasama ang iba pang mambabatas dahil na rin sa imbitasyon ng British parliament. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)